Alam natin maunlad na bansa ang Sinagpore.
Kung ikaw man ay napunta na dito, mapapansin mo ang kanilang ugali.
Tingin ko 'yun yung dahilan bakit sila maunlad.
They're Very Systematic
Halos lahat yata dito may sistema at very organized.
Sa pagpila, sa pag sakay sa MRT, lahat maayos at hindi magulo.
Sa business kaylangan very systematic ka din. Kaylangan may sistema lahat.
Sa pagkuha ng customer dapat may sistema ka.
Sa pag benta ng mga products dapat may sistema.
Sa pag tanggap ng bayad dapat may sistema.
Lahat ng parte ng business mo dapat may maayos na sistema.
Lahat ng successful na business basically ay collection ng systems and processes.
Pag wala kang sistema, hindi magiging successful ang business mo.
They Follow Rules
Alam mo anong pinaka gusto ko dito? Walang trapik!
Sumusunod kasi sila sa lahat ng mga rules.
Nagsasakay lang sila sa tamang sakayan. Tumatawid lang sa tamang tawidan.
Meron ding mga rules for success na kaylangan mong sundin.
Sundin mo yung mga rules na yun at siguradong magiging successful ka.
Labagin mo at siguradong magfe-failed ka.
Kung gusto mong malaman yung ilan, panoodin mo 'tong video.
They Prioritize Value Over Price
Pag nakapunta ka sa Singapore, maninibago ka sa presyo.
Medyo mahal ang mga bilihin dito compared sa Pilipinas.
Pero ang maganda, kalidad naman yung mga mabibili mo.
May kasabihan nga, you get what you paid for.
And it's true in Singapore and it's true as well in business.
Kapag magi-invest ka sa isang business, marami kang options.
Kung ikaw papapiliin, anong mas gusto mo?
Yung mura nga pero hindi kalidad sa produkto at hindi kalidad ang serbisyo...
O yung medyo pricey pero high quality ang mga products at services?
Comments